
Hosted by Kara David · FI

IT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE!Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events.Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Babala. Sensitibo ang paksa.Nitong March 31 ay nagpaalam na maglalaro ang 5-anyos na si Francis Muleta sa kanyang magulang. Pero makalipas ang ilang oras, nakauwi na ang mga kalaro ni Francis pero hindi pa rin makita ang bata.Nang matagpuan si Francis ay puno na ito ng dugo, may mga saksak sa tiyan at gilit sa leeg. Matapos ang halos 41 araw na makikipaglaban sa ospital ay pumanaw rin si Francis.Sino nga ba ang nasa likod ng krimen na ito? Kumusta na nga ba ang unsad ng hustisya para kay Francis?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Matapos ma-massacre ang kanyang pamilya ay nagpalit-lipat ng probinsya sa murang edad si Nestor Quilat at natutong magnakaw para lamang may pambili ng pagkain. Dahil wala pang juvenille justice act noon ay nakulong si Nestor sa kabila ng kanyang murang edad. Samantala, nanirahan naman sa kalye ng Maynila si George Busa nang bigo siyang makahanap ng trabaho. Naranasan din daw niyang maglakad ng halos limang oras makarating lamang sa papasukan na trabaho. Ang kuwento ng pagbabago at pagpupursigi nina Nestor at George, muling pakinggan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Hindi man nanalo bilang grand winner sa ‘That’s My Boy’ contest ng Eat Bulaga noong 2003, nagsilbing pintuan ito para kay BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits para makapasok sa mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing at pagiging bibo ay iba’t ibang proyekto ang nabigay kay Tolits.Pero nang tumumal ang mga proyekto, lumipat sa alternative learning system (ALS) mula sa pagiging home school si Tolits. Pinalayas din sila sa naipundar niyang bahay dahil sa pag-arte!Kumusta na nga ba ang dating child star ngayon?

Bata pa lang daw si Mark Averilla o mas kilala bilang Macoy Dubs nang malaman niyang bahagi siya ng LGBT community. Dahil daw rito, naging tampulan siya ng tukso. Kinakailangan pa raw magpanggap ni Macoy na nahimatay sa classroom para lang makalabas na sa klase!Paano nga ba sinabi ni Macoy Dubs sa kanyang pamilya ang pagiging bahagi ng queer community?

Marso noong nakaraang taon nang maging laman ng balita ang pag-araro ng isang bus sa ilang sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng 10 katao. Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Jerry Tuazon. At si Jerry ang nag-iisang survivor mula sa van na naipit ng nasabing bus.Sa kabila ng trahedyang ito, paano nga ba napatawid ni Jerry ang driver ng bus at nakabangon mula sa bangungot na ito?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Paalala. Sensitibo ang paksa.March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahedyang ito si Jhunie?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant.Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Paalala. Sensitibo ang paksa.Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose.Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pagkawala ng kapatid maging ang patuloy nilang maghahanap ng hustisya hanggang ngayon.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’