
Hosted by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc. · FI

Huwag mong gamitin ang damdamin ng iba para sa iyong ikaaangat. Dahil kapag katapatan na ang iyong sinayang, baka hindi ka na ulit makatagpo niyan. Pakinggan ang kwento ni Willy sa Barangay Love Stories.

Huwag husgahan ang isang aklat dahil lamang ng kaniyang pabalat. Maraming kabanata sa kanilang buhay ang hindi naman nakasiwalat. Pakinggan ang kwento ni Belinda sa Barangay Love Stories.

May mga taong muling pinagtagpo, hindi para dutungan ang pagmamahalan kun'di para isara na ang mapait na nakaraan. Pakinggan ang kwento ni Sheena sa Barangay Love Stories.

Kung naniwala kang darating ang iyong hiniling, maging handa kung sakaling ito ay dumating. Pakinggan ang kwento ni Trixie sa Barangay Love Stories.

Hindi naman desperada, pero kabado na - ganyan ang nararamdaman ni Trina. Lampas na siyang trenta pero hindi pa rin talaga bumibingo sa pag-ibig. Pero nang makilala niya si Carlos, nagsimula ulit siyang magkaroon ng pag-asa na baka sakaling may chance pa silang pareho na magkaroon ng happy ending sa life. Pakinggan ang kwento ni Trina sa Barangay Love Stories.

Huwag magpadala agad sa tukso, lalo kung ikaw rin mismo ang delikado sa dulo. Pakinggan ang kwento ni Amila sa Barangay Love Stories.

Hindi nakakatakot ang maghintay kung para ito sa tamang tao. Mas nakakatakot pa ang matutong makuntento lalo na kung hindi ito para sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Fiona sa Barangay Love Stories.

Iisa ang magulang pero ang magkakapatid, magkakaiba pa rin ang ugali sa pagtanda dahil nakadepende rin ito sa kung paano sila pakitunguhan ng iba sa labas ng kanilang tahanan. Pakinggan ang kwento ni Cedie sa Barangay Love Stories.

May mga love story na too good to be true pero kapag ikaw na ang naka-experience nito, nanamnamin mo ba o pagdududahan na lang talaga. Pakinggan ang kwento ni Buboy sa Barangay Love Stories.

Kapag mayaman ang nakasabay mo na panliligaw sa babaeng iyong napupusuan, madaling panghinaan ng loob. Dahil sindak ang ginamit ni Martin para patigilin si Eduardo sa panliligaw kay Lorena, hindi na nga siya nagmatigas pa. Disappointed man ang dalaga na tumigil talaga ang lalaking gusto niya, hindi na siya naghabol pa. Ngunit nang dumating ang araw ng kasal ni Lorena at Martin, hindi nakalimutang dumalo ni Eduardo kahit hindi siya imbitado. Pakinggan ang kwento ni Eduardo sa Barangay Love Stories.