
Hosted by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc. · FI

Hindi lang regalo ang simbolo ni Santa. Siya’y tungkol rin sa pag-asa, pagmamahal at pagbibigay sa kapwa. Pakinggan ang kwento ni Danilo sa Barangay Love Stories.

Walang masama sa pag-alala ng nakaraan pero kung babalikan mo ito para lang manghinayang, baka mabalewala mo ang kasiyahang naghihintay na pala sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Gaby sa Barangay Love Stories.

Hindi lang kapatawaran ang nagpapabago sa isang tao dahil dapat desisyon niya ring gumawa ng mabuti at tuluyang iwan ang mga mapanakit na gawi. Pakinggan ang kwento ni Nini sa Barangay Love Stories.

Ang mga hindi nabibigkas na katotohanan ay nagtatayo ng matigas na pader sa pagmamahalan. At kapag kumapal at tumibay na ang pader, magbago ka man baka wala ka nang pamilyang babalikan. Pakinggan ang kwento ni August sa Barangay Love Stories.

Dumaan na sa maraming heartbreaks si Chee. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at naniwala pa rin sa pag-ibig. Habang tinutulungan niya ang kanyang BFF na maka move-on sa pagkawala ng asawa nito, hindi niya rin nakalimutan na hanapin ang the one para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Chee sa Barangay Love Stories.

Sa mundong perpekto, walang paghihirap at walang problema. Kaso, wala palang perpektong mundo. Pakinggan ang kwento ni Julio sa Barangay Love Stories.

Tuklasin ang mundo at hanapin ang landas na para sa iyo. Matutong lumingon sa pinagmulan dahil ito rin ay gabay sa iyong paglalakbay. Pakinggan ang kwento ni Kira sa Barangay Love Stories.

Ang tiwala ay parang salamin - kapag nasira, mahirap ayusin. At kahit ano pang pandikit ang gamitin, masasaktan at masasaktan ka pa rin. Pakinggan ang kwento ni Amber sa Barangay Love Stories.

Kapag tinuring mong maliit ang isang kasalanan, baka lumaki ito pagdating ng araw dahil hindi mo ito pinigilan. Pakinggan ang kwento ni Helen sa Barangay Love Stories.

Sa panahon ngayon, mahirap mag-survive kung kapos sa pera. Kaya nagtrabaho sa malayo ang papa ni Lianne para suportahan ang kanilang mag-anak. Pero nang malaman nilang hindi na lang sila ang pamilyang tinutustusan ng kanilang padre de pamilya, mas pinili ng mama ni Lianne na makipaghiwalay na lang. Kaso ang pamilya nilang nakaluwag-luwag na sana, masasadlak ulit sa hirap, paano na kaya ang pangarap ni Lianne na makapag-kolehiyo. Pakinggan ang kwento ni Lianne sa Barangay Love Stories.