Hosted by Dean Bocobo · EN
KC-22 Ikaw na bulaklak niring dilidili, Celiang sagisag mo'y ang eMe A eRe sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si eFe Be.
KC-21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid, tonohan ng lira yaring abang awit na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
KC-20 Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo'y siyang pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
KC-19 Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop tubo ko'y dakila sa puhunang pagod; kung binabasa mo'y isa mang himutok ay alalahanin yaring naghahandog.
KC-18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal mong yapak; tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
KC-17 Celia talastas ko't malabis na umid mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig; di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ang tainga't isip.
KC-16 Itong di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa ang siyang umakay na ako'y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba.
KC-15 Bakit baga noong kami'y maghiwalay ay di pa nakitil yaring abang buhay? kung gunitain ka'y aking kamatayan, sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.
KC-14 Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami'y bakit di lumawig? nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?
KC-13 Anupa nga't walang di nasisiyasat ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; sa kagugunita, luha'y lalagaslas, sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"